Language 

Updates  | Medjugorje[EN]  | Messages  | Articles[EN]  | Videos[EN]  | Pictures[EN] | Site Map  | About[EN]

www.medjugorje.ws » PDA version » Our Lady of Medjugorje Messages » Monthly Medjugorje Messages

Monthly Medjugorje Messages

Mga anak! Ngayon, dasal ko na inyong hanapin ang biyaya ng pagbabalik-loob. Kayo ay kumakatok sa pintuan ng aking puso nguni't walang pag-asa at panalangin, lubog sa kasalanan at walang pangungumpisal sa Panginoon. Talikdan ninyo ang kasalanan at pagpasyahan ang landas ng kabanalan, mga munting mga anak. Sa ganitong paraan ko lamang kayo matutulungan. Sa ganitong paraan ko lamang maririnig ang inyong mga panalangin at maipamamagitan kayo sa Kaitastaasan! Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mga anak, habang ang kalikasan ay nagbibigay ng pinaka-magagarang kulay ng taon, tinatawagan ko kayong saksihan at tulungan ang iba na lumapit sa aking kalinis-linisang puso upang magliyab ng pagmamahal ang kanilang puso ukol sa Kaitastaasang Diyos. Ipinagdarasal ko kayo upang ang inyong buhay ay maging salamin ng kalangitan dito sa lupa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, ngayon, sa isang di-pangkaraniwang paraan, ay tinatawagan ko kayong magbalik-loob. Mula ngayon, nawa'y ang panibagong buhay ay magsimula sa inyong puso. Mga anak, ninais kong makita ang inyong 'Oo,' at nawa ay ang bawat sandali ng inyong buhay ay mapuno ng galak sa pagtalima sa kagustuhan ng Panginoon. Sa isang espesyal na paraan, binabasbasan ko kayo ng aking maka-Inang bendisyon ng kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa mula sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon.
Mga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid ng pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan ng inyong halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob ng iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap ng aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa inyong pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at ng aking Anak na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.
Mahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng inyong pangangailangan. Pupunuin niya ang inyong mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon, puno ng matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo ng pook na kung saan kayo ay mataimtim na manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal ng aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 ... 15 Next>>

 

PC version: This page | Medjugorje | Apparitions[EN]  | Our Lady of Medjugorje Messages  | Medjugorje News & Articles[EN]  | Pictures & Photos[EN]  | Medjugorje Videos[EN]