Language 

Updates  | Medjugorje[EN]  | Messages  | Articles[EN]  | Videos[EN]  | Pictures[EN] | Site Map  | About[EN]

www.medjugorje.ws » PDA version » Our Lady of Medjugorje Messages » Annual Medjugorje Messages

Annual Medjugorje Messages - list

Ang mapangitaing si Ivanka Ivankovic-Elez ay nagkaroon ng regular niyang pangitain noong ika-25 ng Hunyo, 2006. Ayon sa mga mapangitain, sina Vicka, Marija at Ivan ay patuloy pa ring nagkakaroon ng pangitain araw-araw, at sina Mirjana, Ivanka and Jakov ay nagkakaroon ng pangitain minsan kada isang taon.
Sa huli niyang pangitain noong ika-7 ng Mayo 1985, ipinagkatiwala ng Ating Ina kay Ivanka ang ikasampung lihim at sinabi Niya dito na siya ay magkakaroon ng pangitain minsan isang taon sa anibersaryo ng mga pangitain. Gayun ang nangyari nitong taon na ito. Tumagal ang pangitain ng pitong minuto. Nagkaroon ng pangitain si Ivanka sa kanyang tahanan sa harap ng kanyang pamilya, ng kanyang asawa at tatlong anak. Ibinigay ng Ating Ina ang mga sumusunod na mensahe:
Mahal kong mga anak, Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan. Manalangin, manalangin, manalangin.
Masaya ang Ating Ina at nagsalita ng patungkol sa ikapitong lihim.
Sa huling araw-araw na pagpapakita kay Jakov Colo noong ika-12 ng Setyembre, 1998, sinabi sa kanya ng Ating Ina na magmula noon siya ay pagpapakitaan minsan isang taon, tuwing ika-25 ng Disyembre, sa araw ng Kapaskuhan. Gayun din ngayong taong ito. Ang pangitain ay nagsimula ng 3:32 ng hapon at tumagal ng 6 na minuto.
Ngayon ay dakilang araw ng kasiyahan at kapayapaan. Magdiwang kayong kasama ko. Munti kong mga anak, sa katangi-tanging paraan, tinatawagan ko ang kabanalan sa inyong mga pamilya. Hinahangad ko, munti kong mga anak, na bawa't pamilya ay maging banal at ang kasiyahan at kapayapaan ng Diyos, na ibinibigay sa inyo ng Diyos sa di-pangkaraniwang paraan, ay siya sanang maghari at manirahan sa inyong mga pamilya. Munti kong mga anak, buksan ang inyong mga puso ngayong araw na ito ng biyaya, piliin ang Diyos at ipagpa-una siya sa lahat ng bagay sa inyong mga pamilya. Ako ang inyong Ina. Mahal ko kayo at ibinibigay sa inyo ang Maka-inang Biyaya.
Ang sabi ni Mirjana ang mahal na Birhen ay malungkot habang ibinibigay ang mensahe, kungbaga ay matatag siya binindisyunan niya ang lahat ng naroon at ang lahat ng relihiyosong bagay. Ang mahal na Birhen at si Mirjana ay nagdasal ng Ama Namin at luwalhati sa ama para sa mga hindi sumasampalataya. Paghihimala ay nagtagal ng anim na minuto simula sa ala-una singkuwenta ng hapon. Wala siyang sinabi tungkol sa sekieto.
Mahal kong mga anak! Bilang isang ina ay hihihiling ko na huwag ka nang magpatuloy sa iyong kasalukuyang landas, ang landas na walang pag-ibig sa kapwa at kay Jesus. Sa landas na ito, ay makikita mo lamang ang katigasan at walang laman ang iyong puso, at hindi kapayapaan na siya mong ninanais. Ang tunay na kapayapaan ay makikita lamang sa pagmamahal sa kapwa at kay Jesus. Sa isang puso na ang aking anak ang siyang nananatili at siyang nakakaalam ng kapayapaan at kaligtasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mirjana taunang mensahe Ang pinagpapakitaan ng Mahal na Birhen,Mirjana Dragicevic-Soldo ay nagkaroon ng taunang pagpapakita noong Marso 18,1998. Ang Mahal na Birhen ay tumigil na sa pagpapakita sa kanya noong Disyembre 25,1982. Noong panahong iyon ang Mahal na Birhen,pagkatapos ipagtapat sa kanyang kaarawan, Marso 18 hanggang siya ay nabubuhay. At ngayon Marso 18,1998 ay nagpakita ang Mahal na Birhen sa kanya. Ang pagpapakta ay tumagal ng apat hanggang limang minuto. Ang Mahal na Birhen ay nakipag-usap tungkol sa sekreto, binindisyunan ang lahat ng mga naroroon, at ibinigay ang sumusunod na mensahe.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayong lahat upang aking maging ilaw, upang maliwanagan ang mga naliligaw ng landas, upag punuin ang kanilang puso ng kapayapaan ng aking anak. Salamat sa inyong patugon sa aking pagtawag.
Ang pagpapakita ay nagsimula sa 9:55 ng umaga at tumagal ng mga limang minuto. Ang mahal na Birhen ay nanalangin para sa bawa't isa at binasbasan ang bawa't isa. Si Mirjana ay natatanging itinagubilin ang mga maysakit. Sa panahong ito, ang mahal na Birhen ay hindi bumanggit ng kahit ano sa mga sekreto.
Mga munti kong anak! Huwag maghanap ng katahimikan at kaligayahan ng walang saysay, sa maling lugar at sa maling bagay. Huwag hayaan ang inyong puso ay maging matigas dahil sa labis na pagpapahalaga sa sarili. Tawagin ang pangalan ng aking Anak. Tanggapin Siya sa inyong puso. Sa pamamagitan ng pangalan ng aking Anak kayo ay makakadama ng tunay na ligaya at katahimikan sa inyong puso. Tangi sa paraan lang ito na inyong makikilala ang pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap nito sa dako pa roon. Ako ay tumatawag sa inyo upang aking maging apostoles.
Ang mapangitaing si Mirjana Dragicevic-Soldo ay pinagpapakitaan araw-araw simula Hunyo 24, 1981 hanggang Disyembre 25, 1982. Sa huling pagpapakita, ipinaalam sa kanya ng Mahal na Birhen ang ika-sampung lihim. Bukod dito sinabi pa na siya ay pagpapakitaan isang beses bawat taon tuwing ika-18 ng Marso. Ganito ang naganap sa palipas ng mga taon. Libu-libong mga deboto ang nagtitipun-tipon sa pagdarasal ng Rosaryo sa pook ng 'Kurus na Asul.' Ang pagpapakita ay tumagal ng 13:46 hanggang 13:50 minuto.
Mga anak, ako ay sumasainyo sa ngalan ng pinakamasidhing pagmamahal, sa ngalan ng Mahal na Panginoon, na lumalapit sa inyo sa pamamagitan ng aking Anak at nagpapamalas ng tunay na pag-ibig. Ninanais kong akayin kayo sa landas ng Panginoon. Ninanais kong ituro sa inyo ang tunay na pag-ibig upang mamalas ito ng iba sa buhay ninyo, upang makita ninyo ito sa buhay ng ibang tao, upang kayong lahat ay magturingan bilang magkakapatid at upang maramdaman ng ibang nilalang ang is mahabaging kapatid sa ninyo. Mga anak, huwag kayong matakot na buksan ang inyong puso sa akin. Sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig, ipakikita ko sa inyo ang mga bagay-bagay na inaasahan ko sa inyo, mga inaasahan ko sa aking mga alagad. Samahan ninyo ako. Salamat.
To compare Medjugorje messages with another language versions choose

 

PC version: This page | Medjugorje | Apparitions[EN]  | Our Lady of Medjugorje Messages  | Medjugorje News & Articles[EN]  | Pictures & Photos[EN]  | Medjugorje Videos[EN]